Bamban Mayor Guo nagsalita na hinggil sa suspension order

Tinatanggap ni Bamban Tarlac Mayor Alice Guo ang ipinataw sa kanya na 6 na buwang preventive suspension ng Ombudsman.

Sa pahayag na inilabas ng Guo, sinabi nito na sumasang-ayon siya sa proseso ng batas at tinatanggap niya ang pasya ng Ombudsman pero ilalaban niya ang kaso.

Read More:  INC opposes planned plunder case against Marcoleta

Nais niya na iparating na wala siyang kasalanan dahil tapat siyang nagsisilbi sa kanyang bayan at mamamayan.

Handa rin umano siya na makipagtulungan sa mga kinauukulan upang masiguro ang katotohanan at hustisya.

Read More:  Senate Impeachment Court orders VP Sara Duterte to appear Monday

Una nang sinampahan ng reklamo si Guo at iba pang opsiyal dahil sa umano’y pagpayag sa ilegal na POGO na makapagnegosyo sa Bamban.