Dating SP Migz – kakasuhan ang mga nasa likod ng umano’y mapanirang videos

Muling iginiit ni dating Senate President Migz Zubiri na walang katotohanan ang mga kumakalat na balitang nagbubulsa siya ng pera ng gobyerno upang makabili ng mansyon at maging jetplane.

Read More:  Marcos says Philippines won’t allow territory used as launching pad for attacks on Taiwan

Anya, malinaw na isa lang itong parte ng pagtatangkang pag-discredit sa kanyang liderato at pagsira sa kanyang pangalan.

Alinsunod nito, binalaan niya ang sinumang nagpapakalat nito na maghanda sa paghahain niya ng kaso.

Read More:  Shooting at Ateneo de Zamboanga University leaves two dead

Dagdag pa niya, hindi siya titigil hangga’t hindi nahuhuli ang taong nakakubli sa likod nito.