Isang ina sa Mabalacat, Pampanga, kinasuhan ng DOJ dahil sa pambubugaw ng sariling anak online

Nahaharap ngayon sa patong patong na kaso ang isang ina sa Mabalacat City, Pampanga dahil sa umano’y pagbebenta ng malalaswang video ng kanyang menor de edad na anak.

Kapalit ng ilang dolyar, ibinubugaw ng ina ang sarili nitong anak sa mga kliyente nito online.

Read More:  Claire Castro rejects apology calls, says remarks on teachers were misinterpreted

Kasong qualified trafficking at online sexual abuse ang isinampa ng DOJ Task Force on Women and Children and Against Trafficking in Person laban sa akusado na si Jonalyn Rivera.

Read More:  DepEd strengthens student counseling after Zamboanga school shooting

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, hindi papayag ang pamahalaan na magpatuloy ang ganitong uri ng child exploitation dahil itinuturing itong kaaway ng Estado.