Revenue collection ng LTO Bicol sa unang 4 na buwan ng 2024, tumaas

LEGAZPI CITY – Tumaas ng 40.40% ang Revenue Collection ng Land Transportation Office (LTO) Bicol sa taong 2024 mula buwan ng Enero hanggang Abril kumpara sa taong 2023.

Sinabi ni LTO Bicol Regional Director Francisco Ranches, Jr. sa isinagawang press conference sa Kapihan sa Bagong Pilipinas sa Legazpi City, naabot na ng ahensya ang target collection na P1.3B para sa taong 2024, kung saan ay nakapagkolekta ito ng P398B sa loob ng apart na buwan kumpara sa nakaraang taon na mayroon lamang na mahigit P971M.

Read More:  SRA backs NIR-wide offensive vs. invasive sugarcane pest
Read More:  Two Davao robbery suspects arrested at Iligan checkpoint

Sinabi nito, ang kanilang collection ay galing sa mga nagbabayad sa kanilang opisina na nagpaparehistro ng kanilang sasakyan, drivers license, penalties at iba pa.