Bamban Mayor Guo, sasampahan ng tax evasion ng PAOCC

Pinaplano ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na magsampa ng mga reklamo sa tax evasion laban kay Bamban Mayor Alice Guo at iba pa.

Ayon kay PAOCC Spokesperson Winston Casio, marami silang nakitang administrative violations ng alkalde.

Read More:  BINI named Philippines’ new tourism ambassadors

Maari rin aniya silang magsampa ng mga reklamo para sa paglabag sa Securities Regulation Code, gayundin ang mga opisyal ng Hong Sheng, at Zun Yuan, at Baofu.

Read More:  Ex-DPWH Chief Bonoan to testify against Martin Romualdez

Nauna nang nagsampa ng mga reklamong graft ang Department of the Interior and Local Government (DILG) laban kay Guo dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa POGO hub.