Punong barangay ng Hacienda, Tabaco City, suportado ang pagkakaroon ng dagdag na barangay sa lungsod

LEGAZPI CITY – Hindi hinadlangan ni Punong Barangay Adelina Balingbing ng Brgy. Hacienda, Tabaco City ang kagustuhan at petisyon ng kanyang mga residente sa Sitio Maliktay na ihiwalay na ito sa mother barangay.

Sa panayam sakanya ng Brigada News FM Legazpi, sinabi niya na ayon sa ilang mga residente, malayo na ang Maliktay sa pinakasentro lalo na’t marami ring mga estudyante roon.

Aniya, kanya rin itong sinusuportahan sapagkat pasado na ang Maliktay sa ilan sa mga kinakailangan upang maging ganap na barangay ang isang lugar at sa datos din na ipinadala ng mga petitioner, binubuo rin ito ng labingwalo pang mga sitio.

Samantala, ayon kay Balingbing, kasalukuyan pa naman itong pinag-aaralan ng lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *