P10,000 allowance para sa mga public school teachers, aprubado na ni PBBM

Aprubado na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 11997 o ang Kabalikat sa Pagtuturo Act.

Layunin nitong itaas ang annual allowance ng public school teachers sa P10,000 mula sa dating P5,000.

Read More:  DSWD Sec. Gatchalian denies wasted AICS funds despite COA findings

Magsisilbi itong dagdag pondo para gastusin ng mga guro sa blended learning tulad ng internet, kuryente, at essential devices gaya ng laptops.

Read More:  Champi may regain super typhoon strength before entering PAR

Sisimulan itong ipamahagi sa School Year 2025-2026.

Nakasaad din sa batas na hindi ito papatawan ng income tax.