Pastor na nagnakaw ng grocery items, kulong

Himas rehas ang isang lalaking tumangay ng mga grocery items sa isang mall sa Barangay Mabolo, Cebu nitong Huwebes, Mayo 30, 2024.

Kinilala ang suspek na si Alyas Ben, 42-anyos na isa umanong pastor.

Read More:  65 fire-hit families in Boracay receive aid from Bong Go’s team

Ayon sa impormasyon, mula sa loob ng grocery nilagpasan lang nito ang cashier at dumiretso na sa exit dala ang mga grocery items.

Humigit isang libong piso ang halaga ng nabitbit na mga karne ng manok, palaman at juice.

Read More:  Pickup driver falls asleep, hits tricycle, motorcycles and store in Bacolod

Mabilis namang naharang ng security ang lalaki at nabawi ang mga natangay na items.

Habang nasa selda, sinabi lang nito na “will” umano ng Panginoon kung bakit nasa siya nasa loob.