Lalaking lasing, nanghipo sa Lucena City; Arestado

Arestado ang isang lalaki matapos nitong manghipo ng isang babae sa Barangay 6, Lucena City nitong Huwebes, Mayo 30.

Base sa report, naglalakad noon ang biktima kasama ang kanyang asawa nang makasalubong ng mga ito ang lasing na suspek kung saan bigla na lamang siya nitong hinipuan.

Read More:  1,000 families affected as major fire hits Agdao, Davao City
Read More:  NPA claims 3 civilian killings in Southern Negros in 9 days

Samantala, agad namang naaresto ng mga awtoridad ang suspek matapos ang insidente.

Sa ngayon, nahaharap ang suspek sa kasong Acts of Lasciviousness.