Re-nationalization ng CNPH itutulak ng Provincial Government ng Camarines Norte

CAMARINES NORTE – Itutulak ng Pamahalaang Panlalawigan ang re- nationalization ng Camarines Norte Provincial Hospital at ma- upgrade ito sa pagiging tertiary hospital sa harap ng tumataas na populasyon ng lalawigan.

Ito ang inihayag ni Governor Ricarte “Dong” Padilla sa Press Briefing nitong Miyerkules ng hapon pagkatapos ng pirmahan ng Memorandum of Agreement kaugnay sa pagiging implementing site na ng Camarines Norte ng Universal Health Care law.

Read More:  Man found dead wrapped in duct tape in Negros Occidental

Ayon kay Padilla, hindi nababawasan ang populasyon ng lalawigan at hindi rin ito lumalapit sa Naga City o sa Metro Manila kaya may pangangailangan talaga na magkaroon ng malaking ospital sa probinsiya na pamamahalaan na ng Department of Health sa halip na Provincial Government.

Read More:  Bus catches fire in Davao de Oro, LTFRB XI orders probe

Paliwanag ng Gobernador mabigat para sa Provincial Government na magpatakbo ng malaking ospital tulad ng makikita sa mga malalaking lungsod dahil kahit anong gawing pagdagdag ng pondo ay kulang pa rin.