NAGA CITY – Nananawagan ang isang Konsehal sa Naga City, na muli bigyan ng halaga at isapuso ang pag-obserba ng National Flag Month ng bansang Pilipinas, na nagsisimula sa araw ng Mayo 28 hanggang Hunyo 12.
Ayon kay Joe Perez, Committee Chairman on Culture and the Arts sa konseho, marami na ang nakakalimot, maging ang pagbibigay ng respeto kahit sa mga flag raising ceremony, lalo na ngayong maraming bagong usbong na mga kabataan, na dapat hindi kalimutan dahil kasaysayan ito ng bansang Pilipinas.
Karangalan din ang naturang pagpapahalaga sa National Flag Month sa lungsod, bilang pagbibigay pugay, inaalala din ang Commemoration ng pagkamatay ni Juan Q. Miranda sa Hunyo 1, dahil sa kanyang Republic Act 305 o ang pagiging Independent City ng lungsod, pangawala sa Hunyo 18 ang Charter Day ng naturang lungsod na siya rin ang nagpanimula, at ilan pang aktibidad kaugnay ng pag-aala-ala.
Sa pakikipag-usap naman kay Prof. Leo Paulo Imperial, Chairperson, Social Science Department, AdNu, importante na dapat alam ng mga kabataan ang pinagmulan ng Pilipinas, paano saan naiwagayway ang watawat ng bansa, at ano ang sumsimbulo ng bawat desinyo katulad ng blue stripe, na kapayapaan, katutohanan at hustiya ang ibig sabihin.