Isinusulong na Absolute Divorce Act, ikinakabahala ng Diocese of Legazpi

LEGAZPI CITY – Ikinakabahala ng Diocese of Legazpi ang magiging epekto sa pamilya sa oras na maipasa na ang panukalang magkaroon at maging legal ang diborsyo sa Pilipinas.

Ayon kay Fr. Gem Penetrante, Chancellor ng Diocese of Legazpi, posibleng magdulot ng pagkasira ng pamilya at magkaroon ng negatibong epekto sa mga anak oras na maisabatas na ang House Bill No. 9349 o Absolute Divorce Act na layong gawing mode ng dissolution of marriage ang divorce.

Read More:  Bus catches fire in Davao de Oro, LTFRB XI orders probe
Read More:  Rare wildlife recorded by camera traps in Mt. Apo Natural Park

Nakikita umano kasi rito na hiwalayan ng mag-asawa ang magiging madaling solusyon at malilimutan na rin ang pagpapatawad.

Matatandaan, nauna na ring magpalabas ng pastoral statement ang Diocese ukol sa usaping ito.