BU Legazpi, nakakuha ng 80.39% first time takers passing rate sa May 2024 Chemical Engineer Licensure Exam

LEGAZPI CITY – Nakakuha ng 80.39% first time taker passing rate ang Bicol University – Legazpi sa lalawigan ng Albay sa isinagawang May 2024 Chemical Engineer Licensure Examination.

Read More:  Barangay chairman of Barangay Lamintak Sur, Medellin arrested for qualified theft

Ito ang base sa ipinalabas na resulta ng Professional Regulation Commission (PRC), kung saan ang 41 sa 51 na first time takers ay pumasa sa eksaminasyon.

Read More:  CHMSU graduate tops Army officer candidate class ‘Talagilab’

Samantala, sa kabuuan kasama ang repeaters, 49 ang nakapasa sa total na 72 na takers ng exam mula sa nasabing unibersidad na may rating na 68.6%.