LEGAZPI CITY – Matagumpay na nakapagsagawa ng Community Peace Dialogue at Serbisyo Caravan ang 903rd Infantry “Patriot” Brigade, 9ID, Philippine Army (PA) sa Brgy. Salvacion, Jovellar, Albay na naglalayong magbigay ng mahahalagang serbisyo upang itaguyod ang pagkakaisa, kapayapaan, at pag-unlad sa komunidad.
Kabilang din sa mga naisagawa ay ang Medical at Dental Mission na pinangunahan ng Albay Provincial Health Office, kung saan nagsagawa ang mga ito ng medical check-up, dental check-up at extraction, optical check-up at family planning.
Nakapamahagi namna ng mga gamot, vitamins, hygiene soaps, family planning commodites, reading glasses at Information, education and communication (IEC) fans.