Eidl Adha celebration, itinakda ngayong July 20, 2021!

COTABATO CITY – ITINAKDA ngayong July 20, 2021 araw ng Martes ang Eid’l Adha celebration ng mga mananampalatayang Islam sa buong bansa.

Sa inilabas na pahayag ngayong araw ni Bangsamoro Grand Mufti Abu Huraira Udasan, gugunitain ng mga Muslim ang Eid`l Adha sa nasabing araw.

Ito na ang ikalawang selebrasyon ng Eid`l Adha na nasa pandemya ang buong mundo kung saan isa lamang ang panalangin ng halos lahat at ito ay ang pagbabalik sa normal na pamumuhay.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Inaasahang magkakaroon ng congregational prayer pero mananatili pa rin itong limitado dahil sa COVID-19 pandemic.

Bukod dito, magkakaroon ng kurban o katayan ng hayop tulad ng baka at kambing na ibibigay naman sa mga kababayang kapos sa buhay.

Ang Eidl Adha ay isa sa mga pinakamahalagang araw ng Relihiyong Islam kung saan sa panahong ito tinangkang isakripisyo ni Prophet Ibrahim (Alayhi Salaam) sa pamamagitan ng pagkatay ang kanyang anak na si Prophet Ishmael (Alayhi Salaam) matapos utusan sya ng Allah sa pamamagitan ng kanyang panaginip.

Read More:  Tragic outing ends in heartbreak as 19-year-old drowns in Cebu sea; two friends survive

Habang isinasagawa ang pagkatay sa anak ng Propeta Ibrahim ay kaagad inutusan ng Panginoong Allah si Angel Jibreel na kumuha ng kambing mula sa Paraiso upang ipagpalit sa kay Ishmael.