Bagong monitoring station ng PCG sa Batanes, binuksan na

Pormal nang binuksan ng Philippine Coast Guard ang kanilang bagong monitoring station sa Itbayat, Batanes matapos ang isinagawang inagurasyon na pinangunahan ni PCG chief Admiral Ronnie Gil Gavan.

Ang Itbayat ay aabot sa 200 kilometro ang layo mula sa Cape Eluanbi na isang self-ruled island ngunit itinuturing ng China bilang probinsya at malapit din ito sa Bashi Channel na isang stratetgic waterway sa pagitan ng Mavulis, Batanes at Orchid Island sa Taiwan.

Read More:  Nearly a year after Tino, home remains out of reach for 115 La Castellana families

Dahil dito, ipinunto ni PCG spokesperson rear Admiral Armand Balilo na mapapabuti pa ang maritime domain awareness ng PCG sa lugar at mababantayan ang mga mangingisda rito.

Read More:  65 fire-hit families in Boracay receive aid from Bong Go’s team

Aniya, mahalaga rin na ma-monitor ang mga pangyayari sa naturang bahagi ng bansa upang matiyak ang seguridad ng mamamayang Pilipino.