3 patay sa drug ops sa Pasig City, P27-M halaga ng shabu narekober!

Patay ang tatlong pinaghihinalaang miyembro ng Mactan Drug Trafficking Syndicate sa ikinasang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency at Regional Operations Group ng NRCPO sa Pasig City ngayong Lunes ng madaling araw.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Ayon sa report nasawi ang tatlo matapos na manlaban sa mga otoridad.

Narekober sa mga suspek ang humigit kumulang 4 na kilo ng shabu ang nasamsam sa operasyon sa ROTC Road, Barangay Rosario, Pasig City.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Tinatayang nasa P27-million ang kabuo-ang halaga ng iligal na droga na nakuha mula sa mga suspek.

Maliban sa droga nakuha din mula sa crime scene ang tatlong kalibre 45, sasakyan, mga cellphone, iba’t-ibang ID at mga dokumento.