PCO, maglalabas ng guidelines kung paano maprotektahan ang mga social media accounts ng mga ahensya ng pamahalaan

Inanunsyo ng Presidential Communications Office o PCO na maglalabas ang kanilang ahensya ng guidelines kung paano maprotektahan ang social media accounts ng mga ahensya ng gobyerno laban sa hacking.

Sa Bagong Pilipinas Program, sinabi ni PCO Asec. Weng Hidalgo kasama rin dito ang para sa mga personal accounts ng mga empleyado.

Read More:  Claire Castro rejects apology calls, says remarks on teachers were misinterpreted

Gayundin sa kung papaano mag develop ng mga pages at papaano ito mas palaguin.

Inaasahan namang ilalabas nila ito sa susunod na linggo, bilang tulong sa mga government employees at ahensya ng gobyerno.

Read More:  Lawmaker urges House action on school safety bill after Zamboanga shooting

nabatid na sunod-sunod ang mga naging insidente ng hacking sa mga government website kung saan pinaka huling biktima ang PNP Firearms and Explosive Office.