2nd iteration ng Cope Thunder Exercise sa pagitan ng Philippine at U.S Airforce, isasagawa ngayong Hunyo

Nakatakdang isagawa ang 2nd iteration ng Cope Thunder Exercise sa pagitan ng Philippine Air Force (PAF) at U.S. Air Force mula June 17 hanggang June 28.

Ayon kay PAF spokesperson Col. Maria Consuelo Castillo, ang pagsasanay ay kasunod ng unang bilateral exercise na isinagawa noong April 8 hanggang April 19.

Read More:  New US Ambassador to PH meets with Ambassador Babes Romualdez

Paliwanag ni Castillo, ang Cope Thunder Two ay tututok sa large force deployment, kung saan pagsasanayan ang pagpapadala ng malaking bilang ng mga tauhan, eroplano at kagamitan sa malayong lugar.

Sinabi ng opisyal na bahagi ito ng paghahanda ng PAF sa kanilang kauna-unahang pakikilahok sa “Pitch Black” exercise kasama ang Royal Australian Air Force sa July 12 hanggang August 2.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Dito’y ipapadala ng PAF ang 5 FA-50 fighter para sumali sa multilateral exercise na gagawin sa Northern Territory ng Australia.