Lalaki, hinoldap ng suspek na nagpanggap na humihingi ng tulong sa Tayabas City

Natangay ng isang lalaki ang mahigit ₱32,000 matapos nitong holdapin ang helper ng isang truck sa Barangay Silangang Palale, Tayabas City nitong Miyerkules, Mayo 22.

Ayon sa police report, patungo noon sa Tayabas proper ang truck na minamaneho ni alyas “Ricky” nang salubungin ito ng suspek na humihingi ng tulong.

Read More:  Three CTG members surrender in Caraga as Army unearths arms cache

Doon na nito biglang tinutukan ng kutsilyo sa dibdib ang 19-anyos na helper at sapilitang kinuha ang nasabing pera saka tumakas sakay ng asul na motorsiklo.

Read More:  DOST-backed community project begins in Himamaylan City

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang operasyon ng mga awtoridad upang matugis ang nasabing suspek.