Lalaki, binaril sa ulo habang nagmamaneho ng tricycle sa Candelaria, Quezon

Patay ang isang lalaki matapos itong barilin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek sa Barangay Bukal Sur, Candelaria, Quezon nitong Miyerkules, Mayo 22.

Ayon sa police report, sakay noon sa tricycle ang 48-anyos na biktimang si alyas “Amado” nang walang anu-ano itong barilin ng mga suspek na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Read More:  DOST-backed community project begins in Himamaylan City

Samantala, agad namang tumakas ang mga suspek dala ang armas na ginamit ng mga ito.

Read More:  American, Filipina couple found dead inside Dumaguete home after shooting

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang madakip ang mga suspek at matukoy ang motibo nito sa pamamaril sa biktima.