DICT, handang tumulong sa mga LGU na hindi pa gumagamit ng online processing sa mga dokumento

LEGAZPI CITY – Susuportahan ngayon ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang mga Local Government Units (LGU) at tugunan ang pangangailangan pagdating sa internet connection upang magamit ng publiko sa kanilang trabaho o pagproseso ng mga dokumento.

Read More:  79IB turns anniversary celebration into day of service, environmental action in Calatrava

Ayon kay National ICT Planning, Policy and Standards Bureau Director Maria Victoria Castro ng DICT, handa silang tulungan ang mga LGU lalo na sa mga hindi pa gumagamit ng online processing upang mapabilis ang pagkuha ng dokumento.

May mga lugar umano na mayroon ng online processing kung kaya’t hindi na problema ang pagproseso ng dokumento.

Read More:  Philippine Army deploys additional forces to BARMM ahead of 2026 elections

Sinabi pa ni Castro, nakipagtulungan na rin sila para sa digitalization at pagbuo ng mga imprastraktura na makakatulong sa pagpapalakas ng internet sa bansa.