Naglabas ng paglilinaw ang Office of the Secretary-General ng Kamara ukol sa record ng nangyaring botohan sa House Bill 9349 o ang Absolute Divorce Bill.
Ayon kay Secretary-General Reginald Velasco, ang pinal na resulta ng botohan ay 131 na pumabor, 109 na tumutol at 20 na nag-abstain.
Taliwas ito sa naunang bilang ng affirmative votes sa plenaryo kahapon na 126.
Ipinaliwanag ni Velasco na isasagawa ang “rectification” o pagtatama sa Records of the House sa pagbabalik ng sesyon sa Hulyo.
Una rito, pinuna ni dating Senate President Tito Sotto ang pag-apruba sa panukala sa third and final reading dahil hindi umano umabot ang affirmative votes sa mayorya ng quorum na may 316 present congressmen base sa Parliamentary rules.