Mahigit 100 drug reformist sa City of San Fenando, Pampanga nagtapos na sa rehab program

Nasa mahigit isandaang mga drug reformist sa syudad ng San Fernando ang nagtapos na rehabilitation program ng City Government.

Nitong July 10 nagsagawa ng Closing ceremony ang syudad para sa 115 na mga drug reformist na nakapag tapos sa anim na buwang rehabilitation program sa pangunguna ng City Anti-Drug Abuse Council o CADAC.

Read More:  Collector killed by man she went to collect ₱3,000 debt from in Leyte

Sa loob ng anim na buwan, sumailalim ang mga ito sa psycho-educational program, kasama ang family education, community service, recreational activities, skills training, spiritual at values formation.

Read More:  Police officer dies saving colleagues in Negros Occidental

Samantala kahit natapos na ng mga ito ang anim na buwang rehab program, isasailalim pa rin sila ng CADAC sa monitoring at drug test.