PNP, muling iginiit na wala silang namo-monitor na destabilisasyon laban kay Pangulong Marcos

Muling iginiit ng Philippine National Police (PNP) na wala silang namo-monitor na destabilisasyon laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, iginiit rin nya na walang nagre-recruit sa hanay ng pulisya para magsagawa ng destabilization plot laban sa administrasyon.

Read More:  Palace clarifies Marcos administration’s super El Niño response goes beyond buckets

Mga professional umano ang mga pulis, alam nila ang sinumpaan nilang tungkulin kaya’t hindi manggagaling sa PNP ang anumang banta sa destabilisasyon.

Read More:  Sen. Padilla says constitutional loyalty is also ‘wanted’

Sinabi rin ni Fajardo na handang ipagtanggol ng PNP ang ating saligang batas.