DFA – aminadong ‘choppy’ na ang PH-China relations

‘A bit choppy’

Ganiyan inilarawan ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo ang kasalukuyang bilateral relation ng Pilipinas at ng China.

Sabi ni Manalo, ang tangi lang naman ginawa ng Pilipinas ay idiin ang ating karpatan sa exclusive economic zone (EEZ) natin sa West Philippine Sea, at sumunod sa international law.

Read More:  OSG seeks clarification on Supreme Court budget ruling

Mananatili raw na ganito ang gagawin ng Pilipinas.

Sa kabila niyan – ‘di niya raw nakikitang dahilan ito para i-downgrade ang diplomatic ties ng Pilipinas at ng China.

Read More:  DepEd prepares flexible learning rules for Super El Niño

Sa huli, nanindigan si Manalo na hindi kikilalanin ng Pilipinas ang order ng China na manghuli sa mga mangingisdang hindi Chinese sa West Philippine Sea.