DepEd – pinaplantsa na ang transition para sa bagong school calendar

Isinasaayos na ng pamahalaan ang pagbabalik ng bansa sa old school calendar.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Usec. Michael Poa, nagpulong na kahapon sina Pangulong Bongbong Marcos at VP Sara Duterte.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Mababatid na batay sa anunsyo ng Malacañang, July 29 magsisimula ang pasukan sa susunod na school year, at magtatapos naman ito ng April 15, 2025.

Ani Poa, nakatakda naman silang maglabas ng hinggil sa naturang transition.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Matatandaang naging problema sa sektor ng edukasyon ang pagtama ng matinding init dahil sa El Niño na siyang nagdulot ng pagkansela ng face-to-face classes sa maraming paaralan sa bansa.