Jeepney driver na ‘di sumama sa tigil-pasada, pinagsusuntok ‘di umano ng kapwa-tsuper sa Bacolod

Pinagsusuntok umano ng kapwa niya tsuper ang isang jeepney driver sa Bacolod matapos hindi sumama sa tigil-pasada.

Kwento ng driver, namamasada siya nang harangin siya ng ilang miyembro ng MANIBELA-Bacolod at hinikayat na sumama sa protesta.

Read More:  Shrimp swarm surprises residents along Sipalay beachfront in Negros Occidental

Nang hindi siya pumayag ay pinagsusuntok umano siya at binutas pa ang gulong ng kaniyang jeep.

Nawala rin daw ang P5,000 na pang-boundary sana niya.

Read More:  41 women, including 10 minors, rescued in Cebu human trafficking operations

Itinanggi naman ng MANIBELA-Bacolod ang mga paratang ng driver.

Planong magsampa ng reklamo ang driver laban sa Bacolod MANIBELA gayundin ang Bacolod MANIBELA na balak magsampa ng reklamo laban sa driver.