Lucena rank 1 most wanted sa kasong statutory rape, naaresto sa San Francisco, Quezon

Arestado ang isang lalaking umano’y Rank 1 Most Wanted Person sa Lucena City matapos ang ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Barangay Kawayan, San Francisco, Quezon nitong Martes, Mayo 21.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Base sa report, ang 45-anyos na akusado ay may nakabinbing kasong Statutory Rape at 3 counts ng kasong Acts of Lasciviousness sa Regional Trial Court, Branch 54, 4th Judicial Region, Lucena City.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Napag-alaman na taong 2018 nang maganap ang insidente kung saan ang akusado ay hinawakan umano ang pribadong parte ng katawan ng biktima.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng awtoridad ang akusado para sa kaukulang disposisyon.