Motoristang walang suot na helmet, pangunahing violation sa Alicia

Nanguna sa listahan ng mga violations na naitala ng LTO-Alicia District para sa buwan ng Abril ay ang mga motoristang wala at hindi nagsusuot ng kanilang mga helmet.

Sa panayam ng Brigada News Team kay LTO-Alicia District Head Dennis Buendia, nasa 59 ang bilang ng naitala na walang suot na helmet.

Read More:  Woman dies after boulder falls during alleged gold search in Negros Oriental

Pumangalawa naman sa listahan ang mga walang Driver’s License na mayroong 57 na bilang; 50 kaso naman para sa may mga invalid na MV registration; at 28 na kaso ang naitala sa mga nahuling motorista na walang dalang lisensiya at OR/CR.

May paalala naman ang tanggapan sa lahat ng mga motorista upang maiwasan ang anumang mga violations.

Read More:  17-year-old student caught with suspected marijuana during school inspection in Bacolod

Ayon pa kay District Head Buendia, responsibilidad aniya ng isang motorista ang pagkuha ng lisensiya, pagsusuot ng helmet, at seat belt kaya nararapat lamang na sumunod ang mga ito.

Samantala, maaari namang pumunta sa kanilang tanggapan mula Lunes hanggang Biyernes na matatagpuan sa Brgy. Aurora, Alicia, Isabela.