Isang estudyante, patay matapos mahulog sa septic tank ng kanilang paaralan sa Cavite

Patay ang isang estudyante habang 3 pa niyang kaklase ang nasugatan matapos silang mahulog sa septic tank ng kanilang eskwelahan sa Alfonso, Cavite.

Ayon sa Alfonso Police, kumakain ng tanghalian ang 4 na magkakaklaseng batang babae sa isang concrete bench na nasa ibabaw ng septic tank sa Sinaliw Malaki Elementary School nang bigla itong bumigay.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Nahulog sa hukay ang mga biktima, pati na ang concrete bench na inuupuan nila.

Agad na iniahon ang apat na estudyante at isinugod sa ospital pero idineklarang dead on arrival ang isa sa mga biktima na 12-anyos na grade 5 student.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Hindi pa matiyak kung magsasampa ng reklamo ang mga kaanak ng biktima.

Samantala, wala pa ring opisyal na pahayag ang paaralan.