1-year extension sa mga barangay opisyal, pinag-aaralan ng liga ng mga barangay

Pinag-aaralan ngayon ng National Liga ng mga barangay ang 1-year extension sa termino ng mga opisyales ng barangay.

Ayon kay Palawan Provincial Board Member Ferdinand ‘Inan’ Zaballa ang Vice President for Legislative Affairs ng National Liga, magiging sakit sa ulo ng Commission on Election (COMELEC) ang magkaroon ng 2 major elections sa susunod na taon.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Kung magkataon umano, magkasabay na gaganapin ang Midterm Election at Barangay at Sanguniang Kabataan Eleksyon sa 2025.

Aniya, posibleng maging triple ang magiging gastos ng COMELEC kung sasabay ang dalawang eleksiyon kung saan ang BSKE ay kakailangan ng halos P20 Bilyon para maisakatuparan.

Read More:  Trailer truck plunges off Bukidnon bridge, three trapped for two hours

Samantala, nakadependi na rin umano sa kongreso kung pahihintulutan pa na mag-extend ang termino ng mga opisyales ng barangay.