Army reservist, patay sa aksidente

Patay ang isang army reservist matapos masangkot sa aksidente ang minamanehong motorsiklo at kasalubong na dump truck sa bayan ng Cordon, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team, mula sa Bayombong, Nueva Vizcaya ang nasawi habang ang kasalubong na dump truck ay akmang papakaliwa nang mangyari ang insidente.

Read More:  Baby boy found abandoned outside home in Cordova, Cebu

Ayon pa sa ulat, nawalan ng kontrol sa manibela ang reservist kaya ito nagpadausdos hanggang umabot ito sa kasalubong na dump truck at bumangga sa bumper nito.

Read More:  LTO-7 summons rider who spat on bus driver in Cebu

Dahil dito, nagtamo ng pinsala sa katawan ang reservist partikular sa balikat subalit nawalan din ito ng buhay.