Canadian national na sinasabing sangkot sa Batangas drug haul, iniharap sa media

Iniharap ni DILG Sec. Benhur Abalos Jr ang Canadian national na itinuturong sangkot sa 1.4 toneladang Shabu na naharang ng Pulisya sa Alitagtag sa Batangas noong Abril

Ito’y matapos maaresto ng pinagsanib na puwersa ng NCRPO, PRO4A at Bureau of Immigration si Thomas Gordon alyas James Martin sa Brgy. Maitim 2, Tagaytay City noong isang linggo

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Matapos ang pag-aresto, agad na dinala si Martin sa Tanggapan ng Department of Justice (DOJ) para isailalim sa inquest proceedings

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Kasunod nito, pinapurihan ni Abalos ang mga Pulis na nasa likod ng matagumpay na operasyon

Muling tiniyak ni Abalos na paiigtingin pa ng Pulisya ang kanilang kampaniya kontra iligal na droga sa ilalim ng atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.