Limang palapag na Olongapo City Public Market, uumpisahan na

Uumpisahan na ng Pamahalaang Panlungsod ng Olongapo ang pagtatayo ng Limang palapag na Olonagpo City Public Market.

Ito ay bago ang taong 2027 kung kailan nakatakdang magtapos ang sampung taon mula ng gawin ang Comperhensive Development plan ng isang Syudad.

Read More:  1,000 families affected as major fire hits Agdao, Davao City

Ayon kay City Planning and Development Office Head Architect Tony Kar “TK” Balde, ayon sa plano ang una at pangalawang palapag ay gagawin para sa dry at wet section.

Ang mga susunod na palapag naman ay magsisilbing parking area upang masolusyunan ang kakulangan sa parking ng mga mamimili.

Read More:  41 women, including 10 minors, rescued in Cebu human trafficking operations

Samantala, bilang tugon sa proyekto ay kukuha ng pribadong investor ang City Government para mapondohan ang halos kalahating bilyong pisong kailangan sa pagpapatayo ng gusali.// LESLEY DIZON – BNFM OLONAGPO