Tampakan, magkakaroon na ng community college

KORONADAL CITY – INAASAHAN na sa buwan ng Oktubre ngayong taon, mabubuksan na ang Community College sa bayan ng Tampakan. Ayon kay Tampakan Mayor Leonard Escobillo na dalawang kurso ang target nilang buksan dito, ang Bachelor of Science in Industrial Technology at Bachelor of Science in Agriculture.

Read More:  Four missing after vehicle plunges into Tarlac River following Agana bridge collapse

Inihayag ni Mayor Escobillo na ito ay bahagi ng commitment ng LGU sa pagpapatupad ng free education, ang flagship program ni Governor Reynaldo Tamayo Jr.

Read More:  15-year-old arrested in Cebu Buy-Bust with suspected shabu

Napag-alaman ayon sa alkalde na tinatapos na lamang ngayon ang feasibility study katuwang ang Sultan Kudarat State University o SKSU kaugnay sa bubuksang community college. Ang resulta ng feasibility study ay ipipresenta sa board sa Mayo 20.