Gov’t palalakasin ang efforts para mapaganda ang record-low self-rated food poverty figures –Nograles

Patuloy na palalakasin ng gobyerno ang kanilang efforts para gawing affordable, accessible, at available ang pagkain para ma-sustain ang momentum na dahilan para sa record-low self-rated food poverty figures sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, mahigpit na binabantayan ng Zero Hunger Task Force ang bagong self-rated food poverty survey data para matukoy ang mga areas of concern na kailangang matugunan.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

“We note that self-rated food poverty for the month of May (32%) is close to the average self-rated food poverty rate in 2020 (31%), given the limitations in livelihood as a result of pandemic restrictions,” saad ni Nograles.

Kaugnay nito, naniniwala ang Zero Hunger Task Force Chairman na tumataas ang ebidensya na nagsasabing dapat manatili ang gobyerno sa course ng kanilang programa habang pinalalakas ang efforts para matapos ang gutom.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Batay sa resulta ng bagong Social Weather Stations survey sa self-rated food poverty, ang Duterte Administration ang may pinakamababang average ng self-rated food poverty figures mula sa lahat ng post-Edsa presidents, sa 31.8%, na nasa mababa sa 31% (2016, 2019, at 2020) hanggang sa mataas na 33% (2017, 2018).

Sa gitna nito, ang pinakamababang average annual self-rated poverty figure na 31% ay tatlong beses na naitala sa panahon ni Duterte.