Bong Go, nangako ng walang sawang suporta para sa military at police personnel

Nangako si Senator Christopher “Bong” Go na palalakasin ang housing initiatives para sa military at police personnel sa ginanap na groundbreaking ceremony para sa ‘soon-to-rise’ joint housing project para sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa Cebu City noong July 9 sa Cebu City.

“It is an honor to join you for this groundbreaking ceremony … The soon-to-rise South Park Residences here in Cebu City, which is specifically built for our uniformed personnel and government employees, is a testament to how much the government values their service, sacrifice and dedication to our country,” said Go.

Read More:  Palace withholds judgment on VP Sara impeachment trial

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Go na ang hindi-matatawarang serbisyo ng uniformed personnel sa ating bayan ang nagsisilbing inspirasyon umano sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte, kasama ng mga kapwa-kawani sa gobyerno, na tumbasan ang kanilang pagsasakripisyo.

Dahil dito, sinusubukan umano nilang bumawi sa pamamagitan ng pagsulong at pagtupad ng mga programa at proyektong gaya ng pabahay para sa kanilang kapakanan.

Paliwanag ng senador, ang naturang proyekto ay bahagi ng Government Employees Housing Program ng NHA na bubuoin ng tatlong residential buildings na mayroong 850 two-bedroom units, commercial facilities, community amenities, landscaped gardens, at tree-lined road network sa development area na may halos 2.1 hectares.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Ang naturang proyekto ay inaasahang matatapos sa February 2023 na may kabuoang pondo na  P1.6 billion. 

“Makakaasa kayo na patuloy naming susuportahan ni Pangulong Duterte ang lahat ng mga programa at inisyatibo na naglalayong mapabuti ang pamumuhay ng ating mga kasundaluhan, pulis, at mga kawani ng gobyerno. Asahan niyo na patuloy kaming magsisikap para sa inyo sa abot ng aming makakaya hanggang matapos ang aming termino,” pangako ni Go.