Unang araw ng Car Free Sunday sa Maynila, naging matagumpay

Umarangkada na kahapon, May 12 ang unang araw ng dry run ng ‘car-less Sunday’ sa bahagi ng Roxas Blvd. sa Maynila.

Pinangunahan ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan at Vice Mayor Yul Servo Nieto ang pag inspeksyon sa Move Manila-Car Free Sundays Route mula Padre Burgos Avenue hanggang Quirino Avenue.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Bukod sa mga biker, marami rin ang mga nagjojogging.

Ayon sa ilang dumalo, malaking bagay para sa kanila ang programa lalong lalo na sa mga nag eehersisyo.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Sinabi naman ni Mayor Honey na mahalaga ang kalusugan ng mga Manileño at Pilipino, kaya naisipan nilang buksan ang Roxas Boulevard para sa mga gustong mag-ehersisyo tuwing Linggo ng umaga.

Ang nasabing dry-run ay iiral tuwing Linggo hanggang June 30 mula alas singko hanggang alas nuebe ng umaga.