PH Extreme Heat Death Toll: 7 dead, 77 ill

Inilabas na ng Department of Health ang bagong update hinggil sa mga heat related illnesses.

Sa panayam ng Brigada News FM kay DOH Deputy Spokesperson Asec. Albert Domingo, sinabi nitong mayroon nang 77 na heat related illnesses sa Pilipinas, at mayroon na ring pito na namatay.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Aniya, importanteng malaman ang clustering o kung ano ba ang nangayayari sa mga taong nagkakasakit.

Sa pamamagitan aniya nito, nalalaman ang ilang mga aktibidad na posibleng nakaapekto sa isang tao na tinamaan ng heat related illness.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Kaugnay nito, binigyang-diin ng opisyal na mas mabuting iwasan na muna ang mga aktibidad na mabibigat lalo na sa mga oras na matindi ang init na nararanasan.