Mga tsuper at operators na huwag nang bumiyahe kung hindi rin naman nakapag-consolidate – DOTr

Makakausad na raw ang pamahalaan sa mga susunod nitong hakbang, kasabay ng pagtatapos kahapon ng consolidation para sa PUV Modernization Program.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Department of Transportation Usec. Andy Ortega, sinabi nitong maaari nang gawin ng pamahalaan ang mga components sa programa.

Read More:  Senators seek review of impeachment threshold for VP Sara Duterte

Samantala, nirerespeto umano ng kagawaran ang desisyon ng ilang mga tsuper at operators na ayaw at hindi nagpa-consolidate.

Ani Ortega, sa gagawin nilang due process – magbibigay sila ng impormasyon sa nasabing mga drivers na revoke na ang kanilang prangkisa.

Read More:  Palace says Marcos had no power over Bonoan case drop

Sa huli, tiniyak ng opisyal na may gagawin ang pamahalaan sa mga tsuper at operators na bumiyahe kahit hindi naman sila nag-consolidate.