Arrest order laban kay MANIBELA president Mar Valbuena – panggigipit lang ayon sa transport leader

Nakapag-piyansa na raw si MANIBELA president Mar Valbuena sa mga kasong kinahaharap nito.

Maaalalang kahapon nang ibalita ang arrest order laban sa kaniya na inisyu ng Pasig Couty noong nakaraang linggo.

Sabi ni Valbuena, nasa P20,000 na ang bail bond na nabayaran niya para sa dalawang counts ng cyber libel.

Read More:  PH Embassy warns Filipinos against Myanmar job scams, reiterates deployment ban

Naniniwala naman ang transport group leader na panggigipit lang daw ito, at iti-niming sa deadlien ng franchise consolidation para lalo silang ma-demoralize.

Matatandaaang nag-ugat ang cyber liber charges nang kasuhan sila ni Transportation Sec. Jaime Bautista.

Read More:  Two men sentenced to life in prison for killing Brigada broadcaster Eduardo ‘Ed’ Dizon

Samantala – idiniin ni Valbuena na matagal na sialng ‘di nagkakausap ng kasama niya sa press conference noong nakaraan na si Jeff Tumbado – ang itinuturing na umano’y whistleblower sa isyu.

Matatandaaang makailang-beses pang humarap si Tumbado sa pagdinig ng mga mambabatas hinggil sa mga isiniwalat niyang umano’y katiwalia sa mga transporation agencies.