Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa Brgy. Olympia, makati nitong Biyernes ng hapon.

Ayon sa kapitan ng Barangay na si Reynaldo Yulo, ang 44-anyos na architect na mismong contractor din ng ginagawang bahay ang nasawi sa insidente nang matabunan ng gumuhong fire wall.

Read More:  Palace says Marcos had no power over Bonoan case drop
Read More:  Quezon City RTC issues arrest warrant vs. VP Sara Duterte

Dinala pa sa pagamutan ang arkitekto pero binawian din ng buhay.

Samantala, nagpapagaling pa sa ospital ang isa sa mga nasugatan sa nangyaring insidente.