PNP, walang impormasyon sa sinabi ni dating Sen. Trillanes ukol sa pakikipag-ugnayan ng ICC

Walang impormasyon ang Philippine National Police sa sinabi ni dating Sen. Antonio Trillanes IV na nakipag-ugnayan ang International Criminal Court sa mga aktibong opisyal ng PNP.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, hindi nila alam kung saan nanggaling ang impormasyon ng dating senador at wala rin silang namo-monitor kaugnay nito.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Sinabi ni Fajardo, bago magpahayag ng anumang official stand ang isang miyembro ng PNP ay dapat naipagpapaalam sa mga nakakataas na awtoridad.

Ang sinuman aniyang pulis na hindi susunod sa kanilang chain of command ay maaaring maharap sa kaukulang sanctions.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Nauna nang isiniwalat ni Trillanes na nakipag-ugnayan na umano ang ICC sa mahigit 50 opisyal ng PNP dahil sa dahil sa kaso laban kay dating Presidente Rodrigo Duterte.