Presyo ng bigas sa bansa, may pag-asa pang bumaba – Sen. Villar

LEGAZPI CITY – Naniniwala si Senator Cynthia Villar bilang Chairperson ng Senate Committee on Environment and Agriculture na may pag-asa pang bumaba ang presyo ng bigas sa bansa.

Ayon sa senadora, ang kailangan lamang ay turuan ang mga magsasaka ukol sa kung ano ang gagawin o kung paano gamitin ang mga ibinigay na makabagong makinarya mula sa gobyerno.

Read More:  Student dies after lightning strike during hike at Mt. Sayao in Biliran

Ang makinarya kasi ay magpapabilis umano sa mga gawain ng mga magsasaka upang maparami pa ang produksyon nito.

Read More:  Lightning strike hits divers’ pumpboat near Nogas Island in Antique

Sinabi pa ni Villar, dahan-dahan ang pagtuturo sa makinarya upang matutunan nila ang tamang paggamit nito.