Siyam na Filipino volunteers, ipapadala sa France para sa Paris Olympics

Magpapadala Philippine Sports Commission (PSC) ng siyam na Filipino volunteers na tutulong para maging matagumpay ang Paris Olympics sa Hulyo.

Nagmula ang mga boluntaryo sa iba’t ibang propesyon, na kinabibilangan ng mga youth leaders na sina Jeneca Rombaon at John Vincent Balawen, para-athletes na sina Daisy Jane Omega at Brylle Samgel Arombo, athlete-coach Monica Chavez, Romina Manahan, at Ezra Balingit.

Read More:  69 Filipino para athletes gear up for Asian Para Games

Kinumpleto naman ng negosyanteng si Isaac Jefferson Coloma at ng multimedia specialist na si Mari Gabrielle Faro ang listahan para sa volunteer program.

Read More:  Young fencers to compete in Developmental Tournament in Mandaluyong on October 25

Nakipagtulungan ang PSC sa French Embassy at France Volontaires-Philippines upang magsagawa ng training course para sa mga boluntaryo.

Magkakaroon din ng pagkakataon ang mga boluntaryo na maging Committee Assistant at Sports Facilitator sa iba’t ibang larangan ng sports.

###