Pag-revoke sa lisensya ng mga baril ni Quiboloy – pirma na lang ng PNP Chief ang hinihintay

Pirma na lang ni PNP Chief Gen. Rommel Marbil ang hinihintay para sa revocation ng mga baril na pagmamay-ari ni Apollo Quiboloy.

Ito’y makaraang maglabas ng rekomendasyon ang Firearms and Explosives Office (FEO) na bawiin ang license to own and possess firearms ni Quiboloy.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, 19 na baril ang naka-rehistro kay Pastor Quiboloy.

Bukod kay Quiboloy, isa pa sa co-accused niya na nagmamay-ari ng isang baril ang inirekomendang bawiin din ang lisensiya.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Ipinaliwanag ni Col. Fajardo na nakasaad sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunitions Act ang mga dahilan na pwedeng gawing basehan ng pagkansela ng LTOPF.

Nauna nang sinabi ni Gen. Marbil na kasalukuyang inaaral ng kanyang opisina ang pirmadong resolusyon ng FEO.