PAF, magde-deploy ng FA-50 sa ‘Pitch Black’ Exercises

Magde-deploy ng anim na FA-50s o fighter aircraft ang Philippine Air Force upang kumatawan sa bansa sa nalalapit na “Pitch Black” exercises na panangungunahan ng Royal Australian Air Force.

Ayon kay PAF Spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo, bukod sa fighter aircraft, gagamitin din ng PAF ang kanilang C130 plane para doon ikarga ang mga support equipment na kanilang gagamitin.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Ayon pa sa opisyal, ito ang unang pagkakataon na sasali ang PAF sa international exercise, dahil sa nakaraang panahon ay nagpadala lamang sila ng mga tauhan na nagsilbing mga observers.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Inaasahan na mahigit sa 100 na tauhan ng PAF ang sasali sa exerciseo mula July 12 hanggang August2 sa Darwin, Australia.