Dagdag na bilang ng Garbage Bin ilalagay sa mga resorts at ilog sa Naga City

NAGA CITY – Maglalagay pa ang Solid Waste Management Office ng mga karagdagang garbage bin sa mga resorts at maging sa mga ilog sa layuning mabawasan ang mga basura na naitatapon sa tubigan lalo na ngayong maraming mga ekskursiyonista ang dumarayo sa lungsod para magpapresko at mag swimming.

Read More:  Philippine Army deploys additional forces to BARMM ahead of 2026 elections

Ang mga ito anya ay may dalang kanya-kanyang basura na naikakalat sa paligid ,ayon kay SWMO head Engr. Joel Martin bilang kanilang patuloy na pagbabantay at pagmamanteni sa kalinisan,kaya dapat may basurahan silang makikita sa paligid ,para sa Nabubulok-at Di-Nabubulok.

Read More:  NOCECO implements rotating brownouts amid tight power supply

Sa kanyang panayam sa Brigada News Fm Naga,muling binanggit at binigyang-diin ng opisyal na dapat magtulungan ang lahat, lalo na ang publiko na siyang may dala ng basura na maging disiplinado,para hindi magkaproblema at sila na naman ang sisihin pagdating ng tag-ulan.