Pagbaba ng halos P4B halaga ng droga na nasabat sa Batangas, hindi dapat pagdudahan

Hindi umano dapat pagdudahan ang nasabat na malaking halaga ng iligal na droga sa Alitagtag, Batangas na itinututring na isa sa pinakamalaki sa kasaysayan.

Noong isang araw, biglang nilinaw ng PNP na mula sa P13.3 bilyon pesos na halaga ay naging P9.6 bilyong pesos ito matapos ang aktwal na timbang.

Read More:  Former Pres. Rodrigo Duterte appears before ICC judges after 18 months in detention

Nagbigay ng paliwanag ang DILG sa pangunguna ni Sec. Benhur Abalos kasama ang mga kinatawan ng PDEA, PNP, PCG at maging ang alkalde ng Alitagtag, taga barangay at media na taga lugar kung saan nakumpiska ang droga.

Ayon kay Batangas Provincial Prosecutor , Atty. Lourdes Zapanta, nagtataka siya kung bakit may mga pagdududa samantalang maraming testigo ang naroon sa lugar.

Read More:  BIR removes 12% VAT on allowable system loss charges in electric bills

Kaya rin aniya sinabing estimate o pagtaya lamang , ibig sabihin hindi ito ang aktwal na bilang o halaga.

Samantala, tiniyak ni Sec, Abalos na iiral ang transparency at ligal ang bawat hakbang ng pamahalaan.